𝗣𝗟𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗨𝗟𝗔𝗧 | Selebrasyon

Selebrasyon mong puno ng saya at hiyawan.
"Pa-abot nga po,"
"Isang keyk at isang basong puno ng responsibilidad ng buhay ko."

Isang lagok, may tama agad.
Tinamaan ng katotohanan,na nasa kamay mo na ang hinaharap mo.
Nasa kamay ng isang dalagang pwede na igapos sa trabaho.

Isa pang lagok, nahihilo ka na.
Ang labingwalong rosas mo,
Naging labingwalong tambak na mga gawain,at gabing humihiling na bumalik sa pagka bata mo.

Isa pang baso, kaya pa ba?
Kaya pa ba ibalanse ang trabaho at pag-aaral mo?Kaya mo pa ba humabol sa deadline ng assignment at mga bayarin sa tuition mo?

"Oh, yung keyk mo, hindi mo na nagalaw?"
"Inuna mo kasi yung pait ng kinabukasan mo."
Isang kagat, ba't parang umiba na ang lasa?
Umiba na ang lasa ng mga ala-ala nung bata pa mo.
Mga panahon na maayos pa yung sleep schedule mo.

Selebrasyon mong puno ng saya at hiyawan.May nag iisang dalaga sa gitna.Napapaisip kung masaya ba talaga tumanda

✍🏻/🎨: Han Sichon, SHS-12

Comments

Popular posts from this blog

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜𝗞 3.0: 𝗡𝗮𝗿𝗶𝗻𝗶𝗴 𝗠𝗼 𝗡𝗮 𝗕𝗮?

𝐒𝐓𝐎𝐑𝐘 𝐎𝐅 𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐋𝐎𝐕𝐄|𝐏𝐚𝐠 𝐤𝐚𝐢𝐛𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐤𝐚𝐬𝐢, 𝐤𝐚𝐢𝐛𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐥𝐚𝐧𝐠

𝗦𝗧𝗢𝗥𝗬 𝗢𝗙 𝗬𝗢𝗨𝗥 𝗟𝗢𝗩𝗘| “𝗔𝘁 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗶𝗶𝗯𝗶𝗴𝗶𝗻 𝗺𝗮𝗻 𝗸𝗶𝘁𝗮...”