๐—›๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—ž 3.0: ๐—ก๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ด ๐— ๐—ผ ๐—ก๐—ฎ ๐—•๐—ฎ?

“Narinig Mo Na Ba?”
Jill Patricia Gretel Ciprino
BSCS IV A

‎Maaga pa lang ay rinig na ang usap-usapang may namatay raw na isang 2nd year student sa school. Kaya pala may mga pulis sa labas at iilang bulaklak. Isa pa, hindi rin maganda ang hangin pagka-pasok pa lang ng gate. Maingay pero tahimik. Papasok na ako sa room nang may marinig akong sigaw ng babae galing sa isang room.
‎
‎“Hindi nga nagpakamatay si Mitch! Tumawag nga siya sa'kin! Bakit hindi niyo maintindihan, ha!?” sigaw nito. Gusto ko rin sanang makita ang nangyayari sa loob ng room kaso sa dami ng estudyanteng nakikiusisa rin sa labas ay hindi na ako nag-abala pa.
‎
‎Nag ring ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Ilang minuto pa ang lumilipas ngunit walang gurong pumasok sa klase. Sobrang lamig ng paligid. Lahat sila ay parehong iniisip ang nangyaring trahedya sa estudyanteng 'yon.
‎
‎Lumapit naman sa akin ang kaibigan kong si Mae. Nabalitaan mo na ba? Patay na raw si Mitch!” sambit nito. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
‎
‎“Rinig ko nga. Ano raw ba ang nangyari?” tanong ko naman.
‎
‎“Ang sabi ng mga pulis, nagpakamatay raw. Pero si Kaye, ayaw maniwala. Pinagpipilitan niyang pinatay raw si Mitch!” (P)inatay?
‎
‎“Bakit naman daw? Anong dahilan? Sino ang pumatay?” (S)unod-sunod kong tanong.
‎
‎“Tinanong din 'yan ng mga pulis sa kaniya kanina pero wala siyang maisagot. Nakakaawa nga, eh. Magang-maga na ang mga mata niya kakaiyak at parang takot na takot siya.” Napabuntong-hininga s’ya nang malalim. “Sabi ng mga pulis, normal lang daw ang reaksiyon niya dahil traumatized ito sa nangyari. Pero hindi ko alam. Parang kapani-paniwala talaga ang sinabi ni Kaye.” Dagdag pa nito.
‎
‎“Paanong kapani-paniwala?” Nagtatakang saad ko.
‎
‎“Ang sabi niya, tumawag pa raw si Mitch sa kaniya. Sumisigaw at humihingi ng tulong. Paulit-ulit daw nitong sinasabi na wala siyang alam. Hanggang sa bigla nalang daw tumahimik sa kabilang linya.” tumingin pa siya muna sa'kin bago sabihin ang kadugtong. “Tapos may bigla raw nag-end ng call.”
‎
‎Parang biglang lumamig ang paligid pagkasabi niya no'n. Kahit hindi ko aminin ay nakaramdam ako ng takot.
‎
‎“Baka naman si Mitch ang pumindot.” sagot ko na tinatago ang kaba pero kibit-balikat lang ang ibinalik sa akin ni Mae.
‎
‎
‎Buong linggong hindi mawala sa isip ko ang kwento sa nangyaring pagkamatay ni Mitch. Iniisip ko kung nagpakamatay nga ba talaga ito katulad ng sinasabi ng pulis o paniniwalaan ko rin ang kwento ni Kaye? Kung totoo ngang iyon ang nangyari? Ano ang nalaman niya?
‎
‎
‎Matapos ang libing ni Mitch, tumahimik na rin ang eskwelahan at kahit may takot pang natitira, tuluyan na nilang kinalimutan ang nangyari. Pero isang araw lamang ang lumipas, sumunod na naman ang balita ng pagkamatay ng isa na namang estudyante.
‎
‎Nakakapagtakang sabi ng mga pulis ay kaparehong-kapareho ang postura ng pagkamatay nito kay Mitch na namatay rin no'ng nakaraan hanggang sa napagdesisyunan nilang buksan ulit ang kaso para ma-imbestigahan.
‎
‎
‎Sa sumunod na araw, walong estudyante ang nataguang patay. Kasabay nito ay mas tumindi ang kwentong mayroon raw nakarinig ng sigaw kagaya ng sinabi ni Kaye. “Wala akong alam. Hindi ko alam.” Napaisip tuloy ako. Ano ba kasi ang nalaman nila? Paano nila nalaman? Bakit sila namamatay?
‎
‎Nang dahil sa nangyayari, pansamantalang sinuspendi ang klase at inabisuhan ang mga estudyanteng umuwi nalang sa kanila. Umuwi na ang lahat.
‎
‎Maliban sa'kin.
‎
‎Nakatanggap ako ng mensahe sa mama ko na susunduin nalang daw nila ako sa boarding house. Habang naghihintay, biglang nag-ring ang phone ko, tanda na may tumatawag. Hindi ko na nagawang tingnan kung sinong tumatawag dahil panatag naman akong sila mama 'yon. Sila lang naman ang may alam ng number ko at ang inaasahan kong tatawag sa'kin. Binuhat ko na ang gamit ko saka sinagot ang tawag.
‎
‎“Ma...ma..?” naputol ang pagsalita ko nang mapansing umiiyak ang nasa kabilang linya. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag pero unregistered number lang ito. Sinubukan kong pindutin ang end call pero nakakapagtakang ayaw nitong mapindot. Paulit-ulit ko pa iyong ginawa pero ayaw pa ring mamatay ng tawag. Sinubukan kong i-long press ang power button pero wala pa rin. At kahit hindi ko nilagay sa tenga ang cellphone, naririnig ko pa rin ang sinasabi ng nasa kabilang linya.
‎
‎“January 23, 2023, bumisita ang tita ko sa bahay namin, nagustuhan ko ang suot niyang hikaw pero pinagtawanan niya lang ako at sinabing mahal daw iyon, hindi ko kayang bilhin.
‎
‎January 24, 2023 NANG gabi, tumawag ako kay tita at sinabing inaatake ng hika si mama. Wala si papa at kailangan ko ng tulong niya. Pagkarating niya, wala na akong oras na sinayang. Hinampas ko ng tubo ang ulo niya at nang matumba, kinuha ko ang hikaw na gustong gusto ko — kasama ang mga tenga niya.”
‎
‎“February 14, 2023, araw ng mga puso pero hindi manlang ako nagawang ayain ng boyfriend ko para mag-date. Nagyayabang ang nga kaklase ko na nakatanggap sila ng surprise, bulaklak, at chocolate kaya inis na inis ako. Si Lira, kaibigan ko, itatago pa sana sa'kin na nakatanggap din siya ng bulaklak pero wala naman akong naalalang may nanliligaw sa kaniya. Pinilit ko siyang magsabi sa'kin pero ayaw niya kaya hinayaan ko. Nagpaalam siyang magbabanyo kaya binuksan ko ang bag niya kung saan niya itinago ang letter na kasama ng bulaklak kanina. Nandilim ang paningin ko nang malamang sa boyfriend ko galing ang bulaklak na ito.
‎
‎February 14, 2023 NANG hapon, inaya ko silang dalawa sa bahay dahil may ibibigay ako. Pagkarating namin, inalok ko sila ng juice at sinabing aakyat muna ako sandali para kunin ang ibibigay ko. Pagkalipas ng ilang sandali, bumaba ako para kumustahin sila. Nakita kong nakahiga silang dalawa sa sofa kaya agad kong nilapitan. Inilapit ko ang kamay sa leeg nila pareho at napangiti nang malaman kong... wala na silang pulso.”
‎
‎“May 11, 2023, nagpasya akong tumira sa boarding house pero sa kamalasan ko ay napasama ako sa boardmate na maingay. Walang tigil ang pagda-daldal niya, lahat nalang ng nangyari sa kaniya ay iku-kwento niya sa'kin kahit abutin pa ng ilang oras. Naririndi ako sa kaniya dahil kahit may ginagawa ako ay pilit niyang inaagaw ang pansin ko para lang makinig sa walang kwenta niyang kuwento. Kaya naisip ko, ako nalang ang gagawa ng paraan para manahimik siya.
‎
‎May 11, 2023 NANG gabi, inuto ko siyang may nakita akong laro online at gusto kong subukan sa kaniya. Nkakatuwang pumayag naman siya. Itinali ko ang pareho niyang kamay sa higaan — maging ang mga paa niya. Nang masiguro kong himdi na siya makakawala, inilabas ko ang gamit ko na naging dahilan para sumigaw siya. Laro naman talaga ito. Nakikita ko sa mga games, ako ang doctor tapos siya ang pasyente. Ibinuka ko ang bunganga niya saka ipinakita ang gunting na hawak ko. Tama nga ako, masyadong mahaba ang dila niya kaya madaldal. Ginupit ko ang dila niya dahilan para mapasigaw siya at umiyak. Inalo ko pa muna sha bago sha mawalan ng malay. Nang magising siya, sinubukan niyang magsalita pero kahit anong pilit niya, walang salitang namutawi sa kaniya.”
‎
‎Nanindig ang balahibo ko sa mga narinig. Nanginginig ako at natutop ang sariling bibig.
‎
‎Ibinato ko na ang cellphone habang umiiyak at punong-puno ng takot pero hindi pa rin ito matigil. Sunod-sunod lang ito sa pagkuwento kung paano niya pinapatay o pinapahirapan ang mga biktima niya. Sinubukan kong tumakbo palabas ng kwarto pero hindi ako makalabas. Sigaw ako nang sigaw na tulungan ako pero walang sumasagot. Napuno ang katawan ko ng takot nang makitang may na bumukas ng pinto.
‎
‎“Narinig mo na ba ang sikreto ko? Narinig mooo!“ sigaw nito kasabay ng pagsugod sa'kin.
‎
‎“Wala! Wala akong narinig! Wala akong alam! Hindi ko narinig!” paulit-ulit kong sigaw. Nagmamakaawa.
‎
‎“Narinig mo! Narinig mo!” paulit-ulit nitong sabi kasabay nang paulit-ulit niyang pagsaksak sa'kin.
‎
‎Sinubukan kong gumapang kahit na duguan. Nahawakan ko ang cellphone ko't hinagis sa kaniya. Napasigaw siya nang matamaan ko siya sa mata.
‎
‎Nagkaroon ako ng tiyansang makatayo. Gamit ang natitirang lakas ay pinilit kong makabangon ngunit bumigay ang tuhod ko at bumagsak ang katawan. Mas dumoble ang sakit na naramdaman ko kanina. Sinubukan ko pang bumangon pero nadulas lang dahil sa dugo kong nagkalat sa sahig. Naghahalo na ang pawis, dugo, at iyak ko. Nagmamakaawang hayaan na ako pero tumawa lang siya.
‎
‎Wala akong nagawa kundi ang gumapang sa sahig palabas ng kwarto pero hindi pa ako nakakalayo ay hinatak na niya ang binti ko. Nagpumiglas ako at nagsisisigaw pero mas hinigpitan niya lang ang hawak. Pinasadahan niya ng kutsilyo ang binti ko pataas sa leeg at mukha.
‎
‎“Gusto mo bang malaman kung paano ko kinuha ang tenga ng tita ko? ipapakita ko sa'yo.” akma niyang ilalapit ang kutsilyo sa tenga ko kaya sunod-sunod ang naging pag-iling ko. Pilit kong iniiwas ang ulo sa kutsilyo na naging dahilan ng pagtawa niya.
‎
‎“Hindi na maganda kung uulitin ko 'yon. Tsaka, may iba akong gusto sa'yo.” aniya habang nakangiti.
‎
‎Naglakad-lakad siya habang hinahawakan ang kutsilyo. “Nakakatawa kayo. Si Mitch? matatakutin. Sobrang daling takutin ng isang 'yon, kutsilyo pa lang ang nailalabas ko, todo tili na. Ansakit sa tenga. Pero hindi pa nga ako nag-enjoy, nalagutan agad ng hininga.”
‎
‎
‎Tumigil siya saka nag-isip. “Iyong sumunod naman kay Mitch, alam mo kung anong nagustuhan ko?” Nakangiti siya no'n saka pumikit. (P)ilikmata?
‎
‎“Ang haba ng pilikmata niya! Ako na rin mismo ang nag-ayos, binunot ko paisa-isa ang pilikmata niya habang naghihingalo siya. Sobrang naaliw ako no'n! Grabe!”
‎
‎Bigla siyang huminto sa pagsasalita at galit na tumitig sa pader. “Pero iyong walo na magkakaibigan? Nakita nila.” Kinamot niya ang ulo gamit ang kustilyo saka naglakad palapit sa'kin. “Kaya pinatay ko rin.”
‎
‎Lumuhod siya sa paanan ko. “Liz, ang ganda ng sulat mo. Pwede bang... akin nalang ang kamay mo?” Nanlaki ang mata ko sa tinuran niya.
‎
‎Niyakap ko ang sariling braso habang umiiyak na sumagot. “Please, maawa ka... tama naa...” Sumama ang tingin niya sa'kin dahilan para pumikit ako.
‎
‎“Liz, ang ganda ng sulat mo. Akin nalang ang kamay mo.” Pinilit kong igalaw ang katawan habang dahan-dahan niyang sinusuri ang kamay ko. Alam kong wala na akong lakas. Hindi niya hinahawakan nang mariin ang kamay ko pero ni hindi ko kayang bawiin ito mula sa pagkakahawak niya.
‎
‎Inabot niya ang palakol na nasa ilalim ng higaan ko saka walang pag-alinlangan na ginamit iyon pang-putol sa braso ko. Kusang tumutulo ang luha ko pero wala ng naging reaksiyon ang katawan ko. Tila ba nakalimutan kong may masakit, hindi ko na napapansin. Kung kanina ay hinihiling kong hayaan niya nalang ako, pinagdadasal ko nalang ngayon na sana ay matapos na ang buhay ko. Ni sumigaw sa sakit ay hindi ko manlang magawa, wala na akong lakas sa lahat. Pero bakit hindi pa rin ako nababawian ng hininga? Anong paghihirap pa ba ang kailangan kong mainda?
‎
‎Tuluyan na niyang naputol ang kanang kamay ko, kaagad niya iyong sinukat sa braso niya at ngumiti pero ilang sandali pa ay nawala ang ngiting 'yon.
‎
‎“Kaliwete ka nga pala, Liz! Maling braso ang naputol ko. Nakakainis.” aniya saka lumipat ng pwesto at basta nalang tinapon sa kung saan ang braso kong naputol niya.
‎
‎Wala na naman akong maramdaman nang sinimulan niyang putulin ang braso ko gamit ang palakol. Pa ulit-ulit niya iyong ginagawa dahil may buto siyang hindi maputol-putol. Hanggang sa magtagumpay na nga siya sa pagputol. Sinipat-sipat niya pa iyon sa kamay niya saka tumakbo sa higaan at hinukay ang bag ko. Nang makita niya ang ballpen at notebook ko ay kinuha niya 'yon.
‎
‎Nilagay niya ang ballpen sa pagitan ng daliri ng putol kong braso at saka iginiya 'yon para magsulat — na para bang may buhay talaga ang putol kong braso. Napatalon pa siya matapos makapag-sulat ng isang letra.
‎
‎“Ang gandaaa! Ang ganda ganda talaga ng sulat kamay mo, Liz!” masaya niyang sabi habang hawak hawak ang braso ko.
‎
‎“Tama na... Ayaw ko na. Patayin mo na ako..” nahihirapan kong sabi. Pumipikit na ang mata. Npatigil siya sa pagtalon saka binalingan ako ng tingin.
‎
‎“May isa pa akong gusto, eh.” aniya saka lumuhod para makita ako nang malapitan.
‎
‎“Gusto ko ang buhok mo, Liz. Ang ganda-ganda ng buhok mo. Akin nalang.” walang oras na nasayang dahil pagkasabi niya pa lang ay dire-diretso niyang ginamit ang kutsilyo para gamitin pantanggal ng buhok ko.
‎
‎Tahimik ang pagsigaw ko habang siya ay dahan-dahang binabalatan ang anit ko. Nanginginig ang buong katawan at sobrang sakit ng nararamdaman ko. Unti-unti na ring nandidilim ang paningin ko at pakiramdam ko, hindi na kakayanin ng katawan ko. Nramdaman ko ang pagtayo niya kaya alam kong tapos na siya sa ginagawa. Tuluyan niyang natanggal ang buhok ko.
‎
‎Unti-unti kong minumulat ang mata ko sa kabila ng sakit na nararamdaman. Malabo man ay alam kong nasa harapan siya ng salamin at sinusukat ang buhok ko ngumingiti at inaayos ito para umeksakto sa ulo niya.
‎
‎Nahihirapan na ako.
‎
‎Ramdam ko na ang pagkawala ng lahat ng lakas sa katawan ko.
‎
‎“July 27, 2024, nag-check tayo ng exam at ako ang may hawak ng papel mo. inggit na inggit ako sa ganda ng sulat kamay mo kaya gusto kong mapalapit sa'yo. Gusto ko lang sanang matutununan kung paano ka magsulat. Sinanay ko rin ang sariling maging kaliwete dahil baka iyon talaga ang rason. Lahat ng gamit mong panulat — kahit papel ay ginaya ko. Pero hindi ko pa rin makuha ang sulat kamay mo. Kaya sabi ko makukuha ko 'yan.
‎
‎Pero hindi lang 'yan. Matagal ko ng gustong magkaroon ng kulot na buhok dahil sawa na ako sa buhok ko. Gustong gusto ko ang natural na pagkakulot ng buhok mo kaya gusto ko ring makuha pero hindi ako makahanap ng tiyempo para makuha.”
‎
‎“October 7, 2024, nakuha ko na lahat. Ang sulat kamay mo. Pati ang buhok mo, akin na rin. Sobrang saya sa pakiramdam. Wala na akong kaagaw.”
‎
‎Pinilit ko pang magmulat at gumalaw. Nakita ko siyang nakatalikod sa pwesto ko at kinakabit sa sarili niya ang braso.
‎
‎Sa mahinang tinig, tinawag ko siya. “Mae..” at tuluyan na akong binawian nang hininga.

‎“Ikaw rin pala? Alam mo na rin ang sikreto ko. Huwag kang mag-alala, papunta na ako.” nakangiting saad nito palabas ng kwarto.
‎
๐Ÿ–ผ️: Patrick James Ureta, Senior Editorial Cartoonist 

Comments

Popular posts from this blog

๐’๐“๐Ž๐‘๐˜ ๐Ž๐… ๐˜๐Ž๐”๐‘ ๐‹๐Ž๐•๐„|๐๐š๐  ๐ค๐š๐ข๐›๐ข๐ ๐š๐ง ๐ค๐š๐ฌ๐ข, ๐ค๐š๐ข๐›๐ข๐ ๐š๐ง ๐ฅ๐š๐ง๐ 

๐—ฆ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—ฌ ๐—ข๐—™ ๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ฅ ๐—Ÿ๐—ข๐—ฉ๐—˜| “๐—”๐˜ ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ถ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—ถ๐—ป ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ...”