𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜𝗞 3.0: 𝗣𝗿𝗶𝗰𝗲 𝗢𝗳 𝗞𝗻𝗼𝘄𝗶𝗻𝗴
Price Of Knowing
By: Xei
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Siguro sa totoo lang, nagsimula lang naman lahat nung finals week — ‘yung tipong lahat ng tao sa dorm pagod, tulog, o umuwi na sa probinsya. Ako lang ang naiwan. Journalism student ako, and ironically, the one thing that kept me up was an article that I wasn’t allowed to publish.
Ang tahimik sa hallway ng dorm namin. Parang kahit yung hangin, natatakot gumalaw. Pero tuwing alas dos ng madaling araw, may tunog.
Click. Click. Click.
Parang may nagta-type.
At first, akala ko imagination ko lang. Pero consistent siya. 2:17 am to be exact. Nanggagaling sa katabing kwarto. Room 217.
Dati, doon nakatira si Liza. Fourth year din siya, senior sa org namin. Siya ‘yung tipo ng writer na walang takot magsulat ng totoo — corruption, injustice, kahit sino pa ang matamaan. Pero after niyang magpasa ng article about a “rally cover-up” daw sa campus, bigla siyang nawala. Two days later, found dead daw. Sabi nila, suicide. Pero walang naniniwala.
Nung gabi na ‘yun, hindi ko talaga matiis.
Nilapit ko tenga ko sa pader. Yung tunog ng typing huminto. Tapos… tatlong katok.
Biglang lumamig yung hangin. Pagtingin ko sa laptop ko, may lumitaw na bagong document kahit wala naman akong binubuksan.
Title: “Let Me Finish My Story.”
Akala ko prank lang. Pero nung binuksan ko, nakita ko ‘yung last article ni Liza. ‘Yung article na hindi pinayagan ilabas ng publication. Pero may bago — may nagta-type habang nakatingin lang ako.
“They silenced me. Don’t let them silence you too.”
Tumigil ang pag-type. Tapos may narinig akong humihinga. Hindi sa labas. Hindi rin sa kwarto. Kundi sa mismong tabi ko — sa kanan ng laptop ko.
Hindi ko alam kung anong nangyari pagkatapos. Naramdaman ko lang na parang may humawak sa kamay ko, malamig, basa.
Tapos biglang nag-autosave ‘yung document — at ‘yung pangalan ng author, nagbago.
Xiela Marie T. Espiritu
Ako.
Simula noon, tuwing 2:17 am, gumigising ako sa tunog ng typing. Pero hindi ko na alam kung ako pa ba ‘yung nagta-type, o kung siya na ulit.
(Fiction)
🖼️:Kenrich Freud Bernal, Senior Editorial Cartoonist
Comments
Post a Comment