𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜𝗞 3.0: 𝗨𝗹𝗼 𝗦𝗮 𝗕𝗶𝗻𝘁𝗮𝗻𝗮

Ulo Sa Bintana
By: Dexn

Hello guys! So this was happened when I was 9 years old, fiesta noon sa amin nag si uwian mga kamag anak namin galing Manila. Yung bahay namin noon is ginagawa palang pero hindi pa sya totally tapos na. Hindi pa gawa ang bintana kaya nilagyan nalang muna nina papa ng kahoy at kurtina. Gabi na noon kakatapos lang din namin kumain, nag hahanda na sa pag tulog. So bale ang pwesto ko noon sa higaan ay malapit sa bintana, ang iba kong mga tita at tito ay nag iinuman pa sa labas. Ang mga pinsan ko naman halos ay mga baby kaya wala din naman akong makakalaro kaya natulog nalang ako. 

Nagising nalang ako bigla dahil sa malakas na tunog ng kurtina na hinahampas ng hangin, dinilat ko ng kaunti ang mata at inabot ang kurtina para isiksik sa gilid ng mga kahoy para hindi liparin. Pero bigla na naman itong natanggal at nagulat nalang ako ng may makitang parang ulo na nakapatong lang sa may ano ng bintana, ulo ito ng lalaki at puno ng itim ang gilid ng mga mata. Dahil sa takot ay napabalik ako ng higaan at binalot ang sarili ng kumot.

Pagkaumaga ginising ako nina mama dahil nilalagnat daw ako, pinipilit pa nila ako kumain para makainom ng gamot pero sinuka ko lang din lahat yon. Tuloy pa din ang paghahanda para sa pakain mamaya dahil nga fiesta. Habang ako ay nagpapahinga nararamdaman ko na parang may katabi ako sa higaan dahil sobrang pinagpapawisan ako. Naiiyak ako na tinatawag si mama dahil sumasakit ang tyan ko na parang nilalamutak sa loob. Pinahiran nila ako ng kung ano ano sa tiyan pero hindi nabawasan kahit onti yung sakit. Dinala na nila ako sa manggagamot pagdating namin doon binigay nila mama yung dala naming itlog na ang sabi ayun daw yung gagamitin para malaman kung anong nangyayari sa akin. Iniikot niya sa buong katawan ko yung itlog habang may sinasambit na kung anong panalangin o orasyon tinatanong niya kung saan banda yung masakit kapag natatapatan ng itlog pagkalipas ng ilang oras lumabas ang matanda na may dalang plato at saka yung itlog pinisa niya ito at my pigura na nakahugis sa itlog ang sabi ng matanda ay matandang lalaki daw ito na galit biglang naalala ni mama na ngayon din pala ang anniversary ng pagkamatay ng kanyang tatay na aming lolo siguro ay nagalit ito o nagtampo dahil hindi muna namin siya binisita man lang bago mag-celebrate ng fiesta. May binigay lang na gamot ang matanda, bago umuwi pumunta muna kami sa sementeryo at binisita si lolo at nag-sorry dahil hindi namin siya nabisita nagsindi na rin kami ng kandila bago umalis at umuwi na.

Yun lamang po at sana po ay nagustuhan niyo ang aking kwento salamat po sa pagbabasa.

🖼️:Jocelyn Falco, Junior Editorial Cartoonist 

Comments

Popular posts from this blog

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜𝗞 3.0: 𝗡𝗮𝗿𝗶𝗻𝗶𝗴 𝗠𝗼 𝗡𝗮 𝗕𝗮?

𝐒𝐓𝐎𝐑𝐘 𝐎𝐅 𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐋𝐎𝐕𝐄|𝐏𝐚𝐠 𝐤𝐚𝐢𝐛𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐤𝐚𝐬𝐢, 𝐤𝐚𝐢𝐛𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐥𝐚𝐧𝐠

𝗦𝗧𝗢𝗥𝗬 𝗢𝗙 𝗬𝗢𝗨𝗥 𝗟𝗢𝗩𝗘| “𝗔𝘁 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗶𝗶𝗯𝗶𝗴𝗶𝗻 𝗺𝗮𝗻 𝗸𝗶𝘁𝗮...”