๐๐๐ก๐๐๐ 3.0: ๐๐ป๐ด ๐ฆ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฎ ๐๐ธ๐ฎ-๐ฎ๐ป๐ถ๐บ ๐ก๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด
By: Jelyn
Nagsisimula ang kwento kadalasan sa “Once upon a time” o di kaya “Isang araw…” pero hindi sa mga kwento naming magkakaibigan. Nagsimula ang lahat sa “Alam nyo ba dating sementeryo daw itong school natin”.
Sa isang lumang paaralan sa Pasig City, may apat na magkaibigang Grade 5 students — sina Jelay, Mary, Josephine, at Alexandrea. Lagi silang magkasama sa kalokohan at usisero sa mga bawal puntahan. Isang hapon, habang naghihintay ng sundo, naisipan ni Mary, “Alam nyo ba dating sementeryo daw itong school natin?Tara, akyatin natin ‘yung 6th floor! Sabi ng ibang mga estudyante may nangyaring kakaiba ro’n.”
Walang pumipigil sa kanila. Umakyat sila sa madilim na hagdan, habang bawat yapak nila ay kumakalansing sa kalawangin na bakal. Pagdating sa ika-anim na palapag, bumungad ang lumang storage room, puno ng sirang upuan, lumang costume, at mga sapatos ng dating ginagamit sa school plays.
Habang nag-iikot si Jelay, may napansin siyang lumang pares ng sapatos ng ballerina sa gilid. Puting-puti pa, pero tila bago lang nilinis. “Uy, ang ganda nito ah!” sabi niya, sabay hawak. Biglang lumamig ang paligid.
Tahimik.
Pagkatapos, may narinig silang tunog ng sapatos na tumatama sa sahig. tap... tap... tap...
Parang may sumasayaw.
“Guys, naririnig niyo ba ‘yon?” pabulong ni Josephine.
Tumango si Alex, nanginginig ang kamay. Dahan-dahan silang lumingon. Sa dulo ng kwarto, sa harap ng lumang salamin, may aninong gumagalaw.
Isang babaeng naka-puting bestida, nakatiptoe, umiikot na parang ballerina.
Ngunit nang huminto ito, bigla itong tumuwid ng tingin sa kanila sa salamin.
Walang mukha. Wala ring anino. Pero nakatingin.
Napasigaw si Mary, “Tara na!”
Tumakbo silang apat pababa, halos madapa sa hagdan, nag uunahang maka alis sa ika anim na palapag ng kanilang paaralan.
Pagdating nila sa first floor, hingal na hingal silang apat. Pero nang lumingon si Josephine, napansin niyang may marka ng sapatos sa sahig, mga yapak ng ballerina na basa ng tubig pababa mula sa 6th floor, papunta mismo sa direksyon nila.
Kinabukasan, isinara ng guwardiya ang 6th floor.
Ang sabi ng mga matatandang teacher, dati raw may estudyanteng ballerina na nahulog mula ro’n noong ginagawang storage ang lumang stage.
At tuwing gabi, naririnig pa rin ang kanyang sayaw… naghihintay ng papansin.
True to life story.
๐ผ️: Patrick James Ureta, Senior Editorial Cartoonist
Comments
Post a Comment